|
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
26 June 2024 |
|
|
Totoo naman ang kasabihang "kung ano ang puno ay siya ang bunga." Ang ebanghelyo ngayon ay nagpapahayag din nito. Hindi nga nagbibigay ng masamang bunga ang mabuting puno. Tayong mga Cristiano ay nakaugat sa ating puno na walang iba kundi si Cristo. Inaasahang kasimbuti rin ng Panginoon ang ating buhay. Kakatwa at mahirap isipin na magbubunga tayo ng kasalanan kung ang puno natin ay puspos ng kabanalan. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|