|
|
|
Sa Isang Salita: 'Bulaan' ni Msgr. Noel |
26 June 2024 |
|
|
Uso ngayon ang "budol-budol." Gumagamit ng matamis at mapangakit na pananalita para manloko ng tao. Sa huwad na pangako ng dagliang pagyaman, madami ang napaniniwala at nabibiktima.
Sa larangan ng relihiyon, marami ring namamahayag ng huwad na balita. Pinag-iingat tayo ni Hesus sa mga bulaang propeta. Aniya, "makikilala ninyo sila sa pamamagitan ng kanilang bunga." Huwag agad tayong maniwala sa sabi-sabi. Isa sa mga tanda ng kredibilidad ng ebanghelyo ay ang epekto nito sa buhay ng nananalig. Mas malakas ang bisa ng halimbawa kaysa sa taginting ng pananalita.
Nais ba nating maging mga tunay, at hindi bulaang, propeta? Pagbungahin natin ang Salita sa ating buhay.
"What you are shouts loudly in my ears, I cannot hear what you say." (R. W. Emerson)
*Miyerkules sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|