![](indexfiles/divide.png) |
|
|
Sa Isang Salita: 'Sandigan' ni Msgr. Noel |
27 June 2024 |
|
|
Babagsak ang anumang gusaling mahina ang pundasyon. Masisira ang integridad ng bansang di gumagalang sa kanyang saligang batas.
Gayundin naman, mapapahamak ang taong hindi nakasandig ang buhay sa Salita ng Diyos. Nauubos at napaparam ang yaman at karangyaan. Walang saysay ang buhay ng taong isinasandig ang kanyang bukas sa mundong lumilipas.
Subalit ang panghahawakan sa Salita ng Diyos ay nagdudulot ng makalangit na pananaw. Sa harap ng mga ligalig at pagsubok sa buhay, mananatili siyang matibay at matatag sapagkat taglay niya ang karunungan mula sa Itaas.
Tama ang sinasabi ng isang awit pansimbahan: "Si Kristo ang sandigan, di magigiba!"
*Huwebes sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|