Sa Isang Salita: 'Tagpuan' ni Msgr. Noel
05 July 2024
 
"Nung nakita kita sa tagpuan ni bathala/ May kinang sa mata na di maintindihan.../ At tumigil ang mundo/ Nung ako'y ituro mo...," ayon sa isang awit na may 'hugot.'

Nakapagpapabago ng buhay ang makatagpo ka ng tunay na magmamahal. Handang iwan at talikdan ang lahat masunod lamang ang bulong ng iyong puso.

Ganito ang karanasan ni Levi (Mateo) nang tawagin siya ni Hesus sa paningilan ng buwis. Binago ng pakikipagtagpo niya kay Hesus ang dati niyang pamumuhay. Tinalikdan niya ang luho at yaman ng daigdig. Nilisan niya ang kinamihasnang lugar para sa kanyang 'true Love.' Nagkaroon ng bagong kahulugan ang kanyang buhay.

Ang konkretong sitwasyon natin sa buhay ang pook ng pakikipag-ugnay sa Diyos. Sa lugar na ito, tinatawag tayo ng Diyos "upang iwan ang pagkamakasarili at tahakin ang daan ng pagpapakabuti."

Antay tayo ni Hesus sa ating tagpuan.

*Biyernes sa Ikalabing-tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN